YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 05, 2020

Malay wala pang kaso ng nCoV -LGU Malay

Posted February 5, 2020
Teresa Iguid, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: textWala pang kompirmadong kaso ng Novel Coronavirus (2019 NCov) sa bayan ng Malay.

Ito ang ibinahaging impormasyon ng LGU Malay sa inilabas nilang NcOV Bulletin ngayong araw.

Paglilinaw pa nila, wala ring PUI o Person Under Investigation sa Mainland Malay at isla ng Boracay.

Sa ngayon ay mayroon umanong 429 na Persons Under Monitoring o PUM dahil sa kanilang travel history mula China sa nakalipas na labing-apat (14) na araw.

Paliwanag pa ng LGU Malay, ang 2,000 Chinese maliban sa Wuhan ay arrival record na naitala ng Municipal Tourism Office mula January 25 hanggang February 3, 2020.

Taliwas ito sa lumabas na balita na ang 2,000 na Chinese umano ay nasa PUM o Persons Under Monitoring pa rin.

Anila, karamihan sa mga ito ay nakalabas na ng bansa at nasa 429 na lang ang imo-monitor.

Samantala, nakapagbuo na ang Lokal na Pamahalan ng Malay ng Inter-Agency Task Force Against the 2019 Novel Coronavirus at mas pinaigting ang Education and Information Campaign sa lahat ng sektor para maka-iwas sa naturang sakit.

No comments:

Post a Comment