YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 05, 2020

Boracay Business group pabor sa temporaryong pag-ban ng turistang Chinese

Posted February 5, 2020
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 person Pabor si Boracay Foundation Incorporated (BFI) Chairman Dionisio “Jony” Salme na pansamantalang i-ban muna ang turistang Chinese sa Boracay dahil sa Novel Coronavirus o 2019-nCoV.

Sa panayam kay Salme, kung ito ang nararapat ay sang-ayon ang kanilang grupo sa gagawing banning.

Dagdag pa nito, ang hakbang  makakatulong para masiguro na maprotektahan ang publiko at mga turistang nagbabakasyon laban sa naturang sakit.

Aniya, batid niya na malaki ang epekto ng nCov sa bansa lalo na sa ibang tourist destination kabilang na ang Boracay lalo at bumaba ang tourist arrival sa mga nakalipas na araw.

May mga nagsara na rin aniya na mga establisyemento dahil wala masyadong bisita.

Ayon pa kay Salme, nasa employer parin ang desisyon at katunayan aniya ay nakipagpulong na sila sa Department of Labor and Employment para sa mga gagawing hakbang patungkol sa mga empleyado.

Samantala, payo nito sa publiko, makinig ng balita patungkol sa naturang sakit para malaman kung ano ang mga dapat gawin at sundin ang precautionary measure na ibinibigay ng DOH.

Sa naging panayam kay Malay Acting-Mayor Frolibar Bautista, sinabi nito na temporaryo paring naka-ban ang pagtanggap ng mga turistang galing sa bansang China, Hong Kong at Macau na may kaso ng nCoV matapos itong ipinatupad ni Pangulong Duterte.

No comments:

Post a Comment