January 10, 2020
Pinapahinto ngayon ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation
Management Group ang paniningil sa mga turista na dumadaan sa pontoon na
inilatag sa front beach ng Boracay.
Sa sulat ni BIARMG General Manager Natividad Bernardino
kay Malay Acting-Mayor Fromy Bautista, ang collection fee sa mga pontoon ay
subject for approval pa ng Boracay Inter-Agency.
Ito umano ay pinag-usapan na nila noong nakaraang meeting
nila kasama ang LGU Malay November 26, 2019.
Napag-alaman kasi na nag-issue ng Executive Order No. 51
si Bautista na may petsang December 5, 2019, para i-implementa ang P 30.00 fee
bawat indibidwal sa pag gamit ng pontoon.
Subalit ayon sa Inter-Agency, nakatanggap di-umano ang
kanilang opisina ng mga mga reklamo at hindi pag-sangayon sa sistema ng
pangungolekta.
Ang usapin na ito ay tinalakay din sa Sangguniang Bayan
kahapon.
Balak namang i-suspend ni Bautista ang paniningil ng
matanong hinggil sa isyu ng pontoon.
No comments:
Post a Comment