YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 14, 2020

Basura nahakot dahil sa bayanihan, mga empleyado ng ECOS na hindi pumasok rason ng pagka-antal


Posted Janurary 6, 2020

Unti-unti ng nahakot ang mga basurang tumambak sa iba’t-ibang bahagi ng Boracay dahil sa bayanihan ng mga residente at stakeholders.

Halos isang linggo din kasi matapos manalasa ang bagyong si Ursula ay tumambad ang mga debris mula sa mga nasirang bahay at basura mula sa mga establisyemento na hindi kaagad nahakot ng ECOS.

Ayon sa pamunuan ng ECOS Sanitary Landfill and Waste Management Corporation, hindi pumasok o nag-AWOL ang kanilang mga driver at pahinante simula Disyembrer 30 dahil hindi kaagad naibigay ang 13th –month pay ng mga ito.

Hindi raw ito kaagad naibigay sa mga empleyado dahil hindi pa umano sila nabayaran ng LGU-Malay ng utang na humigit kumulang P 100M.

Paglilinaw ng ECOS, nagawan na ito ng paraan at ibibigay naman nila ang 13th month pay ng mga nagrereklamong empleyado.

Sa ngayon ay may mga bago raw silang driver at patuloy ang kanilang paghahakot ng basura na pansamantalang itinambak sa Manocmanoc MRF at itatawid kapag bumuti na ang lagay ng dagat.

Samantala, nag-bayanihan ang karamihan lalo na ang mga taga-barangay, mga NGO, stakeholders, at hauling operators para mabilis na mahakot ang natitirang basura lalo na sa beachline ng Boracay.

1 comment: