Inna Carol
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Humiling ngayon ng pag-unawa ang Boracay Inter-Agency
Rehabilitation Management Group sa publiko matapos ang naranasang pagbaha sa
ilang bahagi ng Boracay kahapon sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng
Bagyong Falcon.
Sa ginawang press conference, umapela si GM Natividad
Bernardino ng BIARMG ng kaunting pasensya at pagunawa lalo na sa mga turista at
residente dahil hindi maiiwasan na magkaroon ng pagbaha lalo’t hindi pa tapos
ang proyekto ng gobyerno sa nagpapatuloy na rehabilitasyon.
“ We are doing something to mitigate these flooding in
low lying areas while there is on-going constructions” ani Bernardino.
Alam din nito na mataas ang ekspektasyon ng lahat na
maayos na ang Boracay dahil sa ginawang rehabilitasyon subalit paliwanag nito
na hindi naman agad agad na matatapos ito dahil marami silang ikinukonsidera
pagdating sa construction side tulad ng sa TIEZA at DPWH.
Kahapon, nagtulong-tulong ang mga water concessionares na
mahigop ang tubig-baha sa Dmall at Ambassador road area para madaanan na ng mga
motorista.
Ayon kay Engr. Noel Fuentebella ng DPWH, balak nilang
i-elivate ang kalsada malapit sa Ambassador pero mangyayari lang ito kapag
mailatag na nila ang drainage system na magkukonekta mula City Mall pababa ng
24/7 palabas ng Bolabog STP.
Samantala, aminado naman si Engr. David Capispisan ng
TIEZA na mabagal talaga ang trabaho ng kanilang mga kinontrata sa proyekto
dahil hindi raw madali ang paglatag ng drainage line.
Maliban dito, hindi pa nag-ooperate ang existing pumping
station na magkukonekta sa drainage system ng TIEZA rason na hindi agad ma pump
ang tubig ulan sa mga mababang area tulad ng sa Dmall at ibang low lying areas.
Umaasa naman ang task force na maiibsan ang problema sa
baha oras na matapos na ang mga infrastructure project ng TIEZA bago ang May
2020.
No comments:
Post a Comment