Teresa Iguid &
Inna Carol Zambrona - YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
(ctto) |
Inilunsad ng Caticlan Barangay Council sa bayan ng Malay
ang kakaibang programa na may temang "Basura mo, palitan ko ng
Bigas".
Ang programa ay nag-aanyaya sa mga residente na dalhin
ang kanilang mga basura tulad ng plastic sachets at plastic bottles sa “barter
area” ng Caticlan Multi-Purpose Hall kapalit ng bigas.
Sa panayam kay Punong Baranagy at Malay Liga President
Ralf Tolosa, ang inisyatibo na ito ay upang mabawasan ang mga kalat sa paligid
at makatulong narin sa mamamayan ng Caticlan.
Aniya, katumbas ng isang kilong mga ginunting na plastic
sachet at plastic bottles ay papalitan rin ng isang kilong bigas.
Dagdag pa nito, hanggang limang kilo lang ang ilalaan
bawat pamilya upang maka-benepisyo din ang iba.
Ang palitan ay nakatakda mula Lunes hanggang Sabado na
magtatagal hanggang buwan ng Disyembre.
Samantala, hinikayat nito ang mga Punong Barangay maging
ang ibang bayan na magsagawa rin ng kahalintulad na proyekto na layunin na
mapanatiling malinis ang komunidad at para makaiwas na rin sa sakit na
“dengue”.
No comments:
Post a Comment