YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 01, 2019

“Dimissal is still in effect kay Cawaling” – DILG

Posted July 1, 2019

Image may contain: 3 people, indoor“Walang pwersahan na mangyayari na pababain siya pero ang dismissal sa kaniya ng Ombudsman is still in effect”.

Ito ang pahayag ni MLGOO Mark Delos Reyes matapos umupo kahapon si Malay Mayor-elect Ceciron Cawaling.

Bago nito, naglabas ng advisory si DILG 6 Regional Director Engr. Ariel Iglesia noong June 27, 2019 na ang Office of the Mayor ng Malay ay ‘pansamantalang mababakante’ sa rason na si Cawaling ay na-dismissed na sa serbisyo noong April 24, 2019.

Bagamat nag-file ang kampo ni Cawaling ng MR o Motion for Reconsideration na kinikwestyon ang desisyon ng Ombudsman, hindi umano ito sapat na dahilan ayon sa DILG para maka-upo ang nahalal na alkalde.

Ito rin ang nilalaman ng memorandum na inilabas ni DILG Secretary Eduardo Año na kailangan pagsilbihan pa rin ng mga nanalong opisyal ang hatol at penalidad tulad ng (suspension, preventive suspension, at dismissal).

“Wala tayong Mayor ngayon”.

Ito ang paliwanag ni Delos Reyes hangga’t hindi ikinokonsidera ni Vice Mayor-elect Frolibar “Fromy” Bautista na uupo bilang Acting-Mayor.

Dagdag pa ni Delos Reyes, walang bisa at hindi rin daw kilalanin ng DILG ang lahat ng ng mga transaksyon at pipirmahang dokumento ni Cawaling.

Nag-aantay na rin umano siya kung ano ang magiging instruction ng national office ng DILG sa mga susunod na hakbang sakaling patuloy na manunungkulan si Cawaling sa munisipyo ng Malay.

No comments:

Post a Comment