YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 01, 2019

BLTMPC kumuha ng dalawang unit na Euro-4 PUV

Posted June 28, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, people standing and outdoor
(CTTO)
Pumapasada na ang dalawang bagong PUV ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) kapalit ng ilang lumang multicab ng kooperatiba.

Ayon kay BLTMPC Vice Chairman Prodencio Vargas, itong pagpapalit ng mga unit ay bahagi ng “Public Utility Vehicle Modernization” program na ipinapatupad sa buong bansa ng DOTc, OTC, LTO, at LTFRB.

Aniya, nasa apatnapu’t isa (41) ang target nilang ma-change unit bago mag 2020.

Maliban sa 23-seater na Euro-4 Minibus na ito ay titingin din sila ng iba pang model na maaaring gamitin ng mga mananakay sa isla.

Sa ipinapatupad na programa ng national government, hindi na ire-renew at bibigyan ng franchise ng LTFRB ang mga luma at ma-uusok na public utility vehicle.

Maliban dito, inaasahan na kung fully implemented na ang programa ay kailangan na mayroong ng aircon, wifi, GPS, CCTV ang mga pampublikong sasakyan bago mag 2040 ayon sa Office of Transportation Cooperatives.

Samantala, aasahan na unti-unti na ring mawawala o i-phase out ang mga lumang traysikel sa Boracay dahil sa modernization program na ito ng gobyerno nasyonal.

No comments:

Post a Comment