YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 12, 2019

May sampung establisyementong nabigyan ng Certificate of Compliance na hindi compliant - DENR Usec. Rigor

Posted March 11, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 person, sitting and tableIpapasara at ipawalang-bisa ang nasa sampung resort at establisyemento sa Boracay na naunana ng nabigyan ng Certificate of Compliance dahil sa mga irregularidad sa pag-proseso ng compliance ng mga ito.

Ito ang pagbubulgar ni Undersecretary Sherwin Rigor ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginawang press noong Sabado.

Ang mga establisyementong ito umano ay inisyuhan na compliance certificate kahit hindi pa nakapag-comply o nakumpleto  mga requirements na hinihiling ng LGU Malay at ng DENR tulad ng easement, STP, at accreditation.

Nabisto ito ng DENR matapos ang isinagawa nilang pangalawang review at monitoring sa lahat ng nabigyan ng Compliance Certificate sa isla.

Kaugnay nito, sisilbihan nila ng notice ang sampung establishments na isara muna ang kanilang negosyo at i-comply lahat ng requirements bago muling mag-operate.

“Bago pa sila binigyan ng permit to operate alam naman nilang hindi sila compliant”, ani Rigor.

Anumang oras ngayon ay isasapubliko ng DENR ang pangalan ng sampung establisyemento.

Kung matatandaan, inatasan noon ni DENR Sec. Roy Cimatu ang EMB (Environmental Management Bureau) at MBG (Mines and Geosciences Bureau) na suriing muli kung compliant ang mga hotel establishments na nabigyan ng Environmental Compliance Certificate (ECC).

Samantala, ang sampung establesyimento na ito ay hiwalay sa naunang mga resort at establisyementong sinilbihan ng notice of demolition noong nakalipas na linggo.

No comments:

Post a Comment