Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Tutol ang Philippine Kiteboarding Association na lagyan
pa ng karagdagang kalsada o anumang development ang area ng Bolabog Beach
matapos ang Phase I ng Boracay Rehab.
Sa panayam kay Ken Nacor, Vice President ng
Philippine Kiteborading Association, hindi na umano kailangan na karagdagang
development sa lugar dahil maliban sa maliit lang ang kumunidad ng Bolabog ay
baka mabago ang imahe nito bilang kitesurfing at windsurfing destination.
Ani Nacor, kilala ngayon ang Bolabog Beach bilang top
Kite Surfing destination sa Asya at pang-lima sa Europa.
Dahil hindi naman ito madalas paliguan ng mga turista
dahil sa malakas na hangin tuwing amihan, sa paniniwala ni Nacor, ang Bolabog
Beach ay para lang sa watersports kaya ang rekomendasyon nila ay i-preserve na
lang ito.
Mas delikado rin daw sa mga kite boarders at wind surfers
kung maglalagay pa doon ng bagong kalsada mula Bolabog Boulevard tagos sa Ati
Village area.
Nabatid na nakipagpulong ang Kiteboarding Association at
iba pang watersports operators sa Boracay Inter- Agency Management Group para
sa kahilingang ito.
Samantala, ayon kay DENR Usec. Sherwin Rigor ay
ipi-presenta nila ito at pag-aaralan bago simulan ang road extension sa lugar.
No comments:
Post a Comment