Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST News Department
Upang maiwasan ang disgrasya, isasara na sa lahat ng mga
sasakyan ang national highway sa Brgy. Tulingon, Nabas simula sa darating na
Miyerkules.
Inanunsiyo ito ni Department of Public Works and Highway
(DPWH) - Aklan District Engr. Noel Fuentebella dahil napaka-delikado na ng
lugar dahil sa patuloy na pagguho ng lupa sa sirang bahaging ng kalsada dulot
ng walang tigil na pag-ulan.
Apela ni Fuentebella sa mga motorista at pasahero na
magbaon ng kaunting pasensya dahil mahaba-habang oras ang igugol nila sa
pag-byahe.
Dagdag pa nito, papayagang makadaan ang tao huwag lang sa
kanilang work hour na alas otso ng umaga hanggang tanghali at ala una hanggang
alas singko ng hapon para hindi maabala ang ginagawa nilang konstruksyon.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na sila sa mga kapulisan na
siyang magbabantay sa Buruanga at Antique para abisuhan ang mga sasakyan
papuntang Malay, na sa Pandan, Antique na sila dadaan palabas ng Buruanga
gayundin pabalik papuntang Kalibo.
Ayon kay Fuentebella, nais nilang matapos agad ang
gagawing construction ng kalsada kung saan naglaan ng siyam na milyong pondo
ang DPWH para sa naturang pagsasa-ayos.
PHOTO (c) Aklan Forum I Elmer Pelilio
#YesTheBestBoracayNEWS
No comments:
Post a Comment