Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay News Departmet

Ani Pascua isa umanong modus ang ginagawa ng “fixer” na
magpakilala na nagtatrabaho sa opisina ng DENR at nag-o-offer na sila ang
mag-aayos ng papeles partikular sa pag-proseso ng Environmental Compliance
Certificate (ECC).
Dagdag pa ni Pascua, bawal ang fixers at hindi nila
otorisado itong mga maling hakbangin.
Muli namang ipina-alala nito sa mga hotel/resorts owners
kung may mga katanungan lalo na sa pag-aayos ng kanilang papeles para
makapagbukas sa re-opening ng isla, pumunta lang sa “One Stop Shop” sa City
Mall at doon makipag-ugnayan sa mga opisyales ng departamento.
Nabatid na istrikto ngayon ang DENR sa pag-review ng
lahat ng mga sinuspendeng ECC ng mga establisyemento upang masiguro muna nila
na itong mga establisyemento ay complaint bago ma-sertipika.
Photo (C) Leonard Tirol, BFRAV
#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayOpening
No comments:
Post a Comment