YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 27, 2018

Vehicular Accident sa Nabas , nag-iwan ng isang patay at walong sugatan

Posted March 27, 2018
YES THE BEST Boracay News -- Dead on the spot ang isang pahenante habang walo naman ang sugatan sa nangyaring vehicular accident sa Unidos, Nabas kahapon.

Image may contain: one or more people, people standing and outdoor
Photo Credit MDRRMO and Metro Boracay
Ayon kay PO2 Melvin Alba Jr. ng Nabas PNP, isang banggaan ang nangyari kahapon ng tanghali sa pagitan ng isang Toyota Wigo at Mitsubishi Canter Mini-Truck na may sakay na pitong pahenante maliban sa driver.

Sa salaysay ng mga saksi sa pinangyarihan ng aksidente, nawalan umano ng kontrol ang mini-truck ng mapansin na kasalubong nito ang Wigo habang akma itong mag-over take sa isang tricycle.

Nang tumagilid ang mini-truck ay nasapol nito ang Toyota Wigo na minamaneho ni Apolo Barrios Jr. ng Old Buswang, Kalibo.

Image may contain: 2 people, car and outdoor
Ang namatay na pahenante na naipit sa front-seat ng mini-truck ay kinilala naman ng Nabas PNP na si Reynaldo Haberia, 64-anyos ng Caloocan City.

Agad namang rumesponde ang Nabas at Malay MDRRMC Responders kasama ang Metro Boracay Task Force para madala ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital.

Ang ibang pahenante at driver ng dalawang sasakyan ay kasalukuyang ginagamot habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring aksidente.

Paalala ng PNP, maging maingat, mag-menor at tingan kung may kasalubong bago mag overtake para iwas disgrasya.

No comments:

Post a Comment