YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 27, 2018

Anim na buwang “Moratorium” sa Boracay, aprobado na

Posted March 26, 2018
YES THE BEST Boracay News -- Aprobado na ang SB Resolution No. 0034 Series of 2018 o “Resolution Declaring a Moratorium on Building Constructions in the Island of Boracay”.

No automatic alt text available.Ang anim na buwang moratorium ay nag-umpisa noong March 13, 2018 at magtatapos sa September 13, 2018 ay ibinase sa 6-month action plan ng LGU-Malay para sa gagawing rehabilitasyon ng isla.

Ito na rin  ang kanilang tugon sa panawagan ni Pangulong Duterte para maresolba ang lahat ng suliranin ng Boracay lalo pa at ito ngayon ay isa ng “national concern”.

Maliban dito, ang moratorium din umano ang solusyon sa lumalalang problema sa kalikasan para mabigyan ng angkop na panahon at matingan ang kapasidad ng isla sa usaping over-development, solid waste management, at migration.

Samantala, may probisyon sa resolusyon na pwedeng payagan na magpatayo ng istraktura sa moratorium period kung ang gusali ay proyekto ng gobyerno o di-kaya ay pagkukumpuni ng mga opisina at gusali sa kumonidad.

Pahihintulutan din umano na magtayo ng gusali o istraktura sa kondisyon na dapat ay compliant sa environmental laws lalo na sa wetlands, forestlands, easements, at road widening.

Ang pagdeklara ng “Moratorium” ay ibinase sa Republic Act No. 7160 ng Local Government Code na may kapangyarihan ang LGU na gagawin ito kung kinakailangan para sa kapakanan ng nakakarami.

No comments:

Post a Comment