YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 07, 2018

Traffic sa Boracay, pina-susulusyonan ni SB Gallenero

Posted March 7, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoor“Problema talaga ang traffic sa Boracay”.

Ito ang puna ni Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero sa ginanap na SB Session kahapon sa bayan ng Malay.

Nais ng konsehal na mag-request sa transport office na pinamumunuan ni Malay Transportation Officer Cesar Oczon ng kabuuang bilang ng mga sasakyan sa loob ng Boracay.

Partikular na binanggit ni SB Gallenero ang mga sasakyan ng hotel, Haulers, Private Vehicle, at Club Car maliban pa sa mga single motorbikes at public transport.

Paalala ni Gallenero na dapat ay regulated, halimbawa nito ay mga hotel service kung saan dapat nakadepende ito sa kung ilang kwarto mayroon ang kanilang hotel.

Samantala, sa panayam naman kay Oczon, patuloy umano ang kanilang monitoring sa mga sasakyan ng mga hotel dahil hindi nila ito pinahihintulutan na bumyahe kung wala silang parking area.

Sa mga mag katanungan bukas ang kanilang opisina sa mga reklamo, maaari umanong tumawag sa numerong 288-8767.

No comments:

Post a Comment