YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 07, 2018

Puka Beach Boracay, unang nag-self demolish

Posted March 7, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, tree, plant, sky and outdoorSinimulan na kaninang umaga ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang demolisyon sa mga iligal na istraktura sa kahabaan ng Puka Beach sa Yapak Boracay.

Pinangunahan ni Mayor Ceciron Cawaling kasama sina Executive Assistant IV - Rowen Aguirre, Municipal Planning and Development Coordinator Alma Belejerdo, Municipal Engineer Elizer Casidsid, Executive Assistant for Environmental Concerns - Engr. Jan Michael Tayo, at DENR Region 6 ang pakikipag-usap sa mga nagbebentang vendors doon na nag self-demolish na dahil sa paglabag ng 25+5 easement rule.

Una rito, pinaalam na umano ni Yapak Punong Barangay Hector Casidsid sa mga may-ari ng mga establisyemento doon na gibain na ng kusa ang kanilang mga stalls upang sa oras na magsagawa ang LGU Malay demolition operation ay wala na silang problema.

Pinagtulungang gibain ng Malay Auxiliary Police o MAP ang mga establisyemento kung saan napag-alaman na ang ilan ay doon na rin natutulog.

Image may contain: one or more people, sky, tree, basketball court, child, outdoor and natureSamantala, inamin ng ilang maliit na negosyante na inabisuhan na sila subalit nagbakasakali lang sila na magbenta pa upang maubos ang lahat ng kanilang paninda.

Dagdag pa ng ilan sa mga nagiba na wala na umano silang magagawa kundi sundin nalang ang ipinapatupad na patakaran subalit ang problema nila ngayon ay kung saan sila magbebenta na pagkukunan ng kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Kaugnay nito, sinabi ni Executive Assistant IV - Rowen Aguirre uunahin nilang i-demolish ang mga nasa front beach bago ang ibang area na kanilang target na linisin.

Panawagan ni Aguirre sa establisyemento, kung alam naman nilang sila ay may violation sa ipinapatupad na ordinansa ay mas maiging magself-demolish na sila at huwag ng hintayin ang LGU na puntahan sila.

No comments:

Post a Comment