YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 01, 2018

Senate Hearing gaganapin sa Boracay

Posted March 1, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, smiling, standingNakatakdang magkaroon ng joint hearing sa Boracay bukas ang Senate Committee on Environment and Natural Resources na pangungunahan ni Senador Cynthia Villar.

Ayon kay LGU Malay Executive Assistant IV Rowen Aguirre, magsisimula ang pagdinig ala-una ng hapon kasama ang LGU Malay, Stakeholders , DENR Regional Director Jim Sampulna, DENR Secretary Roy Cimatu, DOT Sec. Wanda Teo, DILG at TIEZA.

Maliban kay Villar, ngayong araw ay inaasahan na darating ang ilan sa mga nagkumpirmang mambabatas na sina Senador Nancy Binay at Senador Sonny Angara.

Bago ang gagawing hearing, inaasahan na iikot at mag-iinspeksyon ang mga miyembro ng komite para tingan ng personal ang sitwasyon ng isla lalo na ang kalidad ng tubig-dagat at kung gaano na kalala ang polusyon dulot ng iresponsableng pagtatapon ng waste water sa drainage network ng Boracay.

Samantala, paglilinaw naman ni Aguirre sa mga kumakalat na balitang ipapasara ang Boracay, hindi pa umano sila nakakatanggap ng order mula sa national government at kung anong buwan ito ipapatupad.

Ganito rin ang pahayag ni DENR-6 Regional Director Jim Sampulna na ayon sa kanya ay isasapinal pa ng mga kalihim kung kelan ito gagawin at sa senate hearing din posibleng manggagaling ang ilan sa mga rekomendasyon.

Sa ngayon umano ay patuloy muna sila sa pag-silbi ng “Show Cause Order” sa mga nakitaan ng violation sa 25+5 setback at illegal structures sa declared forest land.

Samantala, nagpa-abot ng naman ng mensahe ang Boracay Tourist Assistance na huwag ika-alarma ang pagdating ng mga security forces dahil hindi ito gagamitin sa demolition operation bagkus ito ay karagdagang pwersa lamang para alalayan ang mga darating na senador at masigurong ligtas ang pagdadaosan ng pagdinig.

No comments:

Post a Comment