YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 02, 2018

Hayaang bukas ang Compliant – Sen. Villar

Posted March 2, 2018

Image may contain: 17 people, people sitting and crowd
“Parusahan ang violators at hayaang bukas ang mga compliant”.

Ito ang isa sa mga rekomendasyon ni Senate Committee Chairman on Environment and Natural Resources Senator Cynthia Villar sa ginanap na pagdinig ng komite patungkol sa mga problema ng Boracay.

Ayon sa senadora, imbes na isara ang Boracay bakit hindi i-demolish ang mga lumabag sa environmental laws at hayaang makapag-operate ang mga establisyementong sumusunod sa batas.

Ang pahayag na ito ni Villar ay sinang-ayunan ni Senator Loren Legarda sabay ang paalala sa DENR na dapat kasuhan ang mga umabuso at nagpatayo ng straktura lalo na sa mga wetlands at forestlands sa isla.

Lumalabas sa datos ng DENR na lima sa siyam na classified wetland ay napatayuan na ng mga resorts at buildings.

Dahil dito ,nais ng mga senador na bigyan sila ng kopya kung sino-sino ang mga nagpatayo ng straktura at kung sino ang mga nanungkulan sa DENR sa mga panahon na iyon.

Ayon sa mga senador, kung isasara ang Boracay ay malaki ang epekto nito hindi lamang sa mga naghahanap-buhay dito kundi maging sa turismo at imahe ng Boracay.

Ito rin ang kahilingan at apela ni Aklan Governor Florencio Miraflores kung saan ayon sa gobernador ay meron na silang action plans ni DENR Secretary Roy Cimatu kung paano ito solusyunan sa loob ng anim na buwan.

Image may contain: one or more people, crowd and wedding
Samantala, nagpasaring naman si Senator Joel Villanueva sa DOT, DILG, at DENR na dapat magkaroon ng communication protocol para hindi malito ang publiko at tama ang impormasyon na makakarating kay Pangulong Duterte lalo na kung sensitibo ang isyu.

Sa usapin naman ng sewerage, nais ni Villar na mag-usap ang dalawang water utility na BIWC at Boracay Tubi kung ano at saan sila pwedeng mag-serbisyo at maglatag ng sewer network dahil naniniwala ang huli na walang free enterprise sa serbisyo ng tubig at waste-water.

Sa pagtatapos ng pagdinig, nais ng mga senador na pag-aralang mabuti ng DILG, DOT, at DENR ang gagawing rekomendasyon sa pangulo dahil hindi sila pabor sa pagsasara ng Boracay.

No comments:

Post a Comment