Posted February 2, 2018
Ni Teresa A.
Iguid, YES THE BEST Boracay
Ito ang pananawni Presidential Spokesperson Harry Roque
sa ginanap na press briefing kamakailan sa bayan ng Kalibo patungkol sa usaping
“Pederalismo’.
Anya, ito ang dapat na maisagawa bago pa man mangyari ang
plebisito na ang taung bayan ang mag papasya kung sila ba ay pabor o hindi
sumasangayon.
Pinawi rin ni Roque ang pangamba sa magiging epekto ng
Pederalisimo sa mga mahihirap na probinsya kung saan kailangan pang gumastos ng
kanilang kita o koleksyon para sa kanilang mga proyekto at serbisyo.
Nilinaw nito na sa ilalim nito ay mabibigyan ng patas na
pondo ang mga probinsya na may mataas na saklaw ng kahirapan.
Samantala,isa naman sa kanyang magandang balita na dala
ay ang pag-aproba sa implementasyon ng drainage project at ang layuning
masulusyunan ang pag baha sa panahon ng tag-ulan sa Isla ngBoracay.
Matatandaang bumisita sa probinsya ng Aklan si
Roquematapos imbitahan ng Kalibo municipal officials sa pangunguna ni Mayor
William Lachica upang saksihan at makibahagi sa isa sa mga aktibidad ng Kalibo
Sto. Nino Atiatihan Festival 2018.
No comments:
Post a Comment