Posted February 1, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Photo Credit: Malay PNP |
Sa panayam kay Nurse
I Rudy Flores Jr. ng Municipal Health Office, itong mga surrenderee ay nagtapos kahapon sa harap ng mga inimbitahang
bisita na si David Abraham Garcia,
PIO ng PDEA VI kung saan dinaluhan din
ito nina Malay Mayor Ceciron Cawaling, Dr. Adrian Salaver ng Municipal
Health Office, Executive Assistant V Ed Sancho, Police Inspector Mark Evan Salvo ng
Malay PNP at Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark
Delos Reyes.
Ginawaran ng sertipiko
ang mga sumailalim sa programang ito bilang patunay na sila ay nagtapos sa
kanilang anim na buwang rehabilitasyon.
Sinabi rin ni
Flores na patuloy paring i-momonitor ng Philippine
National Police PNP ang mga ito may kaugnayan sa kanilang sinumpaang kasunduan
na sila ay tuluyan ng magbabago at hindi na babalik sa kanilang bisyo lalo at
muling ibinalik ang Oplan Tokhang.
Samantala, itinurn-over
ang ilan sa mga drug surrenderee sa ibat-ibang sector ng MSWDO, PESO at iba pa upang sila ay mabigyan
ng trabaho.
Kaugnay naman
nito isasailalim ulit sa mga programa ang mga hindi nakasamang grumaduate ito’y
dahil hindi sila sumunod sa mga isinagawang programa kung saan makakasama nila dito
ang second batch na mga drug surrenderee.
Ang programang “Reporma
Kasimanwa” ay may temang “Ginahandom
ta: Pagbag-o it Kasimanwa” na layuning tulungan ang mga residente sa Malay na nalulong
sa ipinagbabawal na droga.
No comments:
Post a Comment