Posted October 24, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Bubuksan na ang proyektong Public Restroom ng Boracay
Island Water Company BIWC at Manila Water Foundation sa Cagban Port ngayong
araw.
Sinabi ni Al Lumagod Sustainable Development Manager ng
BIWC, naging matagumpay ang kanilang proyekto sa pakikipagtulungan narin ng
Probinsya ng Aklan.
Magsisimula ang pagpapasinaya sa alas dyes ng umaga
kasama sina Governor Florencio Miraflores, Jetty Port Administrator Niven
Maquirang at iba pang ehensya para saksihan ang pagbubukas ng bagong pasilidad.
Ayon kay Lumagod, na ang sewerage ng Public Restroom ay
konektado sa opisina ng BIWC.
Layunin ng kanilang proyekto na i-promote ang kalinisan
sa isla at para matulungan ang mga residente lalo na ang turista sa oras na
sila ay gagamit ng banyo kung saan meron silang opsyon na pwedeng gamitin
mapalabas man o sa loob ng Cagban Port.
No comments:
Post a Comment