Posted October 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST Boracay
Ayon kay Al Lumagod Sustainable Development Manager ng
BIWC, sa pamamagitan ng kanilang programa layunin nito na maturuan ang mga
kabataan kung paano ang wastong paghuhugas ng kamay lalung-lalo na ang
pagsasabon ng mga ito.
Dagdag pa ni Lumagod, isinasagawa itong programa upang
mapalaganap ang kalusugan at kaligtasan ng mga kabataan.
Magiging bisita nila dito ang Mayor ng Lokal na
Pamahalaan ng Malay Ceciron Cawaling, Bise Gobernador ng Probinsya Joeben
Miraflores at ibat-ibang sector sa Boracay.
Inimbitahan naman ni Lumagod ang publiko na makilahok at
sumuporta para mabigyan sila ng kaalaman kung ano itong Global Hand Washing
day.
No comments:
Post a Comment