Posted September 6, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Sa panayam ng himpilang ito kay Malay District Supervisor
Jessie S. Flores, handa na umano ang kanilang schedule of event na may temang
Palarong Pampaaralan: “Palarong Mapagbago, Palarong Mapagpalaya.”
Ang paligsahang pampalakasan ay mag-uumpisa bukas,
Setyembre 7 sa alas-singko ng umaga na hanggang 10 sa Brgy. Balusbos, Malay na
lalahukan ng limang teams mula sa sekondarya at anim na teams mula sa
elementarya.
Ayon kay Flores, ang tema nila ay ibinase sa national
theme ng Pangulong Rodrigo Duterte sa paghikayat sa mga kabataan para ilayo sa
mga masasamang bisyo sa pamamagitan ng sports activity.
Ani Flores, sa pamamagitan nito ay madedevelop ang
potensyal ng mga kabataan sa napiling sports ng sa ganun ay magkakaroon ang mga
ito ng magandang patutunguhan.
Nabatid na magiging panauhing pandangal sa annual
activity na ito si Elmer Bedia na kauna-unahang miyembro ng Azkals sa
Pilipinas.
Magugunitang nakapasok ang mga atleta ng Malay sa ginanap
na Palarong Pambansa ngayong taon sa Antique.
Samantala, sa darating na Setyembre a-trese lalaban ang
pambato ng Malay na si Edwin Villanueva para sa Paralympics Event sa 2017
Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
No comments:
Post a Comment