YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 05, 2017

Joint Task Force nagsagawa ng Awareness Advocacy Forum

Posted September 5, 2017
Ni Danita Jean Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting and indoorIsang forum at lecture patungkol sa Counter Violent Extremism sa Boracay kahapon.

Naging speaker dito si Major General Jon N. Aying, Commander 3ID PA kung saan tinalakay nito ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa para mapaghandaan ang anumang banta sa seguridad.

Ilan din sa mga ibinahagi ni Aying ay ang may kaugnayan sa peace advocacy at ang awareness sa extremism sa kabuuan ng bansa pababa sa mga kanayunan.

Kaugnay nito, sa panayam ng himpilang ito kay  LCDR Julius Reyes, Commander  ng Maritime Joint Task Force Group Protect at Operation Officer ng  Joint Task Force Boracay magkakaroon umano ng simulation exercises na gaganapin sa September 12.

Ayon pa kay Reyes, wala namang banta sa Western Visayas subalit patuloy pa rin nilang hinihigpitan ang seguridad sa Boracay dahil hindi maitatago ang posibilidad dahil sa intensyon ng mga masasamang elemento.

Siniguro naman ni Reyes na mahigpit na dumadaan sa profiling ang mga IDPs o Internal Displaced Persons mula sa Marawi, kung saan wala namang dumagdag sa bilang ng mga ito.

Katuwang sa mga dumalo sa naturang pulong ay ang Joint Task Force Boracay, mga Punong Barangay, Barangay Kawagad at BPAT Members ng  Barangay Balabag, Manoc manoc, Caticlan at  Yapak, RAdmiral Leonard Tirol, BAG Adviser at Sir Mark Delos Reyes, MLGOO IV-Malay.

Samantala, layunin ng naturang lecture ang mapalakas ang adbokasiya na maging maagap at handa ang Boracay at Malay sa anumang banta sa seguridad at para itaas ang kamalayan ng publiko para sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas maging sa Western Visayas.

No comments:

Post a Comment