Posted August 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Naging bisita
kahapon sa 25th Regular Session ng Malay ang kinatawan ng Star 8 E-trike matapos
itong ipatawag ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron.
Ito’y may
kaugnayan umano sa kanilang pag-ooperate sa isla ng Boracay na walang kaukulang
permit na hinahawakan.
Dito, ipinunto ni
Pagsuguiron sa representante ng Star 8 na si Atty. Rona Jordan kailangan nilang
tumalima sa mga kinakailangan requirements bago sila mag-operate dito.
Ayon naman kay
Vice Mayor Abram Sualog mas mabuti umanong magbigay sila ng respeto sa Lokal na
Pamahalaan ng Malay dahil gusto nilang maging patas sa ibang public utility
vehicle sa isla.
Dagdag pa Sualog,
hindi umano sila tutol sa pag-operate ng Star 8 ang gusto lang nila ay maging
responsible sa pagsunod ng mga patakaran.
Kaugnay nito,
tinanong ni SB Floribar Bautista si Malay Transportation Office (MTO) Cesar
Oczon kung ano ang kanilang aksyon dito kung saan sinagot naman ito ni Oczon
nagpadala siya ng kanyang trabahante nitong huwebes sa isla para i-check itong
anim umanong nakitang nag-ooperate at inisyuhan nga ng ticket para sa mga
nilabag nilang ordinansa.
Samantala, sinang-ayunan
ni Jordan ang kanilang pinag-usapan at ipinangakong susundin nila ang proseso
at magsusumite ng mga requirements para makapag-operate ang kanilang negosyo.
Napag-alaman, may
sampung Star 8 E-trike na umano dito sa isla ng Boracay ang namamasada.
No comments:
Post a Comment