Posted August 3, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Sisimulan na ngayong unang linggo ng Agosto ang anim na
buwang Community Base Rehab Program (CBRP) ng Municipal Anti-Drug Abuse Council
(MADAC) sa ilalim ng LGU Malay at Philippine National Police (PNP).
Kahapon sa isinagawang kick-off ng programang ito sa Coverd
Court ng Malay, pinulong ang nasa 235 na
bilang ng mga drug surrenderee kung ano ang mga inilaang programa para hindi na
nila muling balikan ang paggamit ng ipinagbabawal na droga.
Ipinaintindi rin sa mga surenderees kung ano ang mga
gagawin nila sa rehab program na ito kabilang na ang kanilang pagdadaanan na
Physical, Mental, Spiritual at Health Recovery ng sa gayon sa paraang ito ay mabago
sila at makabalik sa kanilang mga trabaho at normal na buhay.
Dahil sa seryoso ang LGU-Malay sa programang ito, naglaan ng mahigit dalawang milyon ang Mayor
ng Malay para sa Community Base Rehab Program (CBRP).
Samantala, pina-alalahan ni Mayor Cawaling ang mga ito na
kung magbabago ay ituloy-tuloy na dahil aniya mahirap ang ma-tokhang.
Kaugnay nito, oras na matapos nila ang rehabilitasyon ay
magkakaroon naman ng graduation ang mga surrenderee bilang patunay na kanilang
natapos itong programa.
Maliban kay Mayor Cawaling, ang “Reporma Kasimanwa” – The
Community Base Rehabilitation Program ay dinaluhan din nina Malay PNP Chief
PSInps. Mark Evan Salvo, Chief Intelligence & Operation Section Dexter
Brigido ng Boracay PNP, Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II
Mark Delos Reyes, Municipal Health
Officer Dr. Ma. Nay Mucho at Magdalina Prado ng MSWDO.
No comments:
Post a Comment