Posted August 8, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Sa naging panayam kay Chief Inspector Reynante Jomocan ng
Aklan Police Community Relations, lahat ng klaseng sugal na labag sa batas ay
pag-huhulihin ng kanilang hanay.
Ani Jomocan, may direktiba nang inilatag ang mga Chief of
Police sa mga Barangay kung ano ang kanilang mga dapat gawin sa mga makikitang
sumusugal kung saan sila na mismo ang inaatasan na humuli at i-rereport sa otoridad.
Samantala, kung operasyon ng Small Town Lottery o (STL)
ang pag-uusapan sila umano ay hindi masisita kung mayroon silang kumpletong
permit na ipe-presenta sa pag-ooperate.
Mababatid nitong mga nakaraang araw ay may dinakip na apat na kalalakihang nag-lalaro ng “Pusoy
Bahig” sa terminal ng Dumaguit-New Washington sa bayan ng Kalibo at ang isa
naman ay 40-anyos na lalaki sa Brgy. Tul-ang, Ibajay matapos itong mahuling
nagpapataya ng EZ2 na hindi otorisado ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Binigyan ng 15 araw na ultimatum ni PNP chief Police
Director General Ronald Dela Rosa ang mga pulis sa lalawigan ng Iloilo at sa
buong rehiyon para sugpuin ang lumalaganap na illegal- gambling.
No comments:
Post a Comment