Posted Ausut 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Ito ang sinabi ni
Aklan Provincial Drug Enforcement Unit Police Chief Inspector Frensy Andrade sa
programang Boracay Good News nitong Sabado.
Sa panayam kay
Andrade, mariing hinikayat nito ang gumagamit parin ng iligal na droga na
mag-surrender na sa mga pulis upang hindi na sila humantong pa sa pagka-aresto.
Aniya, patuloy
ang ginagawa nilang monitoring sa mga lugar na talamak parin ang pagbebenta ng
ipinagbabawal na gamot.
Samantala,
pina-alalahanan naman nito ang mga dating na-tokhang subalit bumalik sa
dating-gawi na sumuko na para hindi na makaloboso pa.
Sa huli daw
nilang monitoring ay may mga aktibo pa na nagbebenta sa isla ng Boracay lalo
yaong mga nasa watchlist.
Sambit pa nito,
wala umanong pinipili ang batas kung sinuman ang lumabag dito kahit pa umano
ang mga nagsasabi na “untouchables” ay walang kawala at paparusahan.
No comments:
Post a Comment