Posted June 5, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE
BEST Boracay
Nabatid na
nakatakdang ipatupad ang soft implementation ng Municipal Ordinance No.
320-2012 sa Hunyo a kinse bilang hakbang para mabawasan ang basura sa buong
bayan lalo na sa isla.
Dagdag pa sa
iba-ban ay ang mga styrofoam maging ang pagbebenta ng mga plastic bags kung
saan hinihikayat ang paggamit ng reusable bags, woven bags, cloth bags, paper
bags, at iba pa na gawa sa mga biodegradable materials.
Ang sino mang
lumabag sa naturang panukala ay magmumulta ng Php 1,000 hanggang Php 2,500 o
pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan.
Samantala, ang
mga establisyemento naman na hindi susunod ay maaring kanselahin ang operasyon.
No comments:
Post a Comment