Posted June 8, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Muling nabuksan ang usapin patungkol sa snorkeling ticket
sa Boracay at sa pagkakataong ito peke umano ang ilan sa mga ini-issue sa mga
bisita.
Ito ang bulalas ni SB Mamber Dante Pagsuguiron sa naging
Privilege Speech nito sa 18th Regular Session kasabay sa pag-presenta nito sa
plenaryo ng mga hawak nitong mag-kaibang tickets na ayon sa konsehal ay
ibinigay sa kanya ng mga nagrerekalmo.
Sa pag-kumpara ay magkaiba ang sukat at bilang ng control
number na sa pag-kumpirma nito sa Treasurer’s Office ay napatunayang peke ang
isa sa dalawa.
Pahayag ni Pagsuguiron, nagtataka rin daw ito dahil dapat
ay mataas na ang koleksyon ng LGU dahil sa pag-implement ng P 40 mula sa P20 na
presyo ng ticket ngayong taon.
Aniya, rampant umano ang pag-issue ng mga ticket na ito
at minsan ay isang ticket lang daw ang ibinibigay sa isang grupo at
hinahati-hati na umano ang pera at kanya-kanya na umano sila ng singil sa mga
identified snorkeling area sa isla.
Dahil dito, nagpahayag din ng pagka-alarma si SB Member
Floribar Bautista at Jupiter Gallenero sa nasabing usapin kung saan sinabi ni
Bautista na dapat tapusin na itong issue at i-ipatawag ang Treasurer Office sa
plenaryo upang mapag-usapan ito.
Suhestyon ni Gallenero na dapat umanong magpatawag ng
Committee Hearing para ma-imbestigahan at mag-sumite ng rekomendasyon kay Mayor
Cawaling para disiplinahin ang mga empleyado na sangkot sa anomalya.
Nabatid ayon sa Commission on Audit o (COA), responsibilidad
umano ng Accounting at Treasurers Office na magkolekta ng naturang fees na nasa
ilalim ng LGU-Malay at hindi ng private individuals o sinuman.
Matatandaan na naging kontrobersyal at maka-ilang ulit ng
tinalakay sa Sangguniang Bayan ang usapin sa snorkeling tickets dahil umano sa
anomalya sa pagsingil at pangangasiwa dito.
No comments:
Post a Comment