Posted April 7, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Tila hindi pumasa sa panlasa ng mga miyembro ng Sangguniang
Panlalawigan ng Aklan ang pag-operate ng Small Town Lottery o STL sa probinsya.
Sa SP 33rd Regular Session nitong Lunes, pinag-usapan ng
mga ito ang naturang isyu kung saan isang resulosyon naman ang kanilang ibinaba
na hindi sila sang-ayon sa nasabing betting-game.
Nabatid kasi na nitong mga nakaraang araw ay nagsimula na
sa pag-operate ang small town lottery (STL) sa probinsya.
Samantala, nagpasa din ng board resolution ang Philippine
Chamber of Commerce and Industry Aklan Chapter sa Sangguniang Panlalawigan na
mahigpit din ang kanilang pagtutol sa operasyon ng STL sa Aklan.
No comments:
Post a Comment