Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Balak ngayong ipatawag ang isang malaking resort sa isla
ng Boracay dahil sa pagka-diskubre na may nakakalat na Kitchen Waste sa sarili
nitong tambakan ng basura sa ManocManoc Boracay.
Ito ang pahayag ni Manocmanoc Kagawad Nixon Sualog sa
isang panayam sa Yes FM Boracay.
Aniya, ipapatawag nila ang naturang resort ito’y dahil
umusbong na naman itong usapin sa basura dahil sa pagkalat ng mga larawan sa
Facebook na kinunan ng residente sa naturang Sitio.
Usap-usapan kasi ngayon na may mga itinatapon na basura o
kitchen waste na nakabalot pa sa mga plastic bag sa naturang lugar na naging
sanhi ng hindi magandang amoy.
Kasabay nito, napagkasunduan umano ng Barangay Council na
imbitahan nila ang Manager ng naturang resort para ipaliwanag sa kanila kung
bakit doon nila ito tinatapon gayong alam naman ng lahat na may inaayos pang
problema patungkol sa basura.
Nanawagan naman si Sualog sa mga residente na magtulungan
sa usaping basura kung saan apela niya na sa bahay palang ay dapat nang
i-segragate ang kanilang mga basura upang hindi mangamoy.
Samantala, tuloy-tuloy ang isinasagawang pag-haul ng
LGU-Malay para maubos na ang basura sa Centralized MRF papuntang Sanitary
Landfill sa mainland Malay.
No comments:
Post a Comment