Monday, July 13, 2015

NTC magsasagawa ng Mobile Licensing sa isla ng Boracay ngayong Hulyo

Posted July 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for National Telecommunications Commission (NTC)Nakatakdang magsagawa ng Mobile Licensing ang National Telecommunications Commission (NTC) sa Boracay ngayong darating na Hulyo 27-31 at sa Agosto 19-21 ngayong taon.

Ito ay kinakailangan para sa lahat ng mga nasa business ng purchasing, selling, leasing, retailing o mga nag-aayos ng sirang cellphone na kung saan ay kinakailangan nilang kumuha ng permit at registration certificate mula sa National Telecommunications Commission.

Kasama rin dito ang radio transceivers kung saan ang NTC ay inaatasan ang radio transceiver users na kumuha ng permit sa kanila para sa kanilang legal operation.

Nabatid na kung bigo ang mga itong makakuha ng permit ay maaaring maipasara ang kanilang establisyemento o mabigyan ng penalidad kasama na ang pag-kumpiska ng kanilang cellphone units at radio transceiver sets.

Dahil dito ang NTC Personnel ay tutungo sa Boracay sa nasabing petsa para e-assist ang mga aplikante na kumuha ng kinakailangang lisensya sa kanilang negosyo.

Samantala, maliban sa mga ito hinihikayat rin ng NTC ang business at commercial establishment kagaya ng Hotel/Resorts, Mall at Restaurant owners ng two-way radio transceivers na bisitahin lamang sila sa Marzon’s Resort Station 3 para kumuha ng kinakailangang permit at lisensya upang maiwasan ang pag-kumpiska at pagpataw sa kanila ng penalidad.

No comments:

Post a Comment