Posted July 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit na ipinagbabawal ng Environmental Management Services (EMS) ng Malay ang pagtatanghal ng mga Fire Dancers sa Boracay ng walang permit mula sa LGU.
Ito ang sinabi ni Malay EMS Administrative Assistant Adel Lumagod matapos umano nilang imbitahan ang mga ito para sa isang meeting na tinawag na information campaign.
Dito ipinaliwanag ng EMS sa mga Fire Dancers na mayroong existing Municipal Ordinance 257 series of 2014 ang LGU Malay kung saan mahigpit na ipinagbabawal na mag-perform ang walang Mayor’s permit, endorsement mula sa PESO Office at Health Card.
Dahil dito nakatakda umano silang mag-monitor sa darating na Biyernes para alamin kung ang lahat ng mga Fire Dancers ay mayroon ng permit matapos nila itong bigyan ng 30 working days na maayos ang mga requirements.
Ayon kay Lumagod sakaling mahuli nilang nagpe-perform ang isang fire dancer na walang permit ay iisyuhan nila ito ng citation ticket na lumalabag sa nasabing ordinansa.
Maliban dito mahigpit din silang pinagbabawalang sumayaw sa pathway o sa vegetation area ng beach front gayon din ang pagsasayaw sa buhangin ng walang platform.
Ang Fire Dance ay isa sa mga nagpapasiglang atraksyon sa Boracay tuwing pagsapit ng gabi na sadyang kinagigiliwan ng mga turista.
No comments:
Post a Comment