YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 02, 2015

Preparasyon sa pagdating ng MS Celebrity Century sa Boracay, dinagdagan

Posted February 2, 2015                             
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Inaasahang mas magiging maganda at magarbo ang pagsalubong sa pagdating ng MS Celebrity Century sa isla ng Boracay bukas araw ng Martes.

Ito ay dahil sa ibat-ibang preparsyon na ginawa ng Jetty Port Administration sa ilalim ng Provincial Government ng Aklan.

Nabatid na mas maganda at nakakaaliw na Ati-Atihan Tribe ang sasalubong sa mga pasahero sa kanilang gagawing presentasyon.

Kabilang din dito ang pagdagdag ng mga nagbibinta ng souvenirs items sa mismong Cagban Port kung saan bababa ang mga sakay ng cruisehip.

Maliban dito sinabi naman ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang na magiging organisado na ang mga sasakyan ng mga pasahero ng barko papuntang Boracay Station 2 kung saan ang mga ito mag to-tour.

Aniya, ang paglagay ng flag ng MS Celebrity Century na may sign na X sa mga sasakyan ay isang paraan para madaling matukoy na ang mga sakay nito ay pasahero ng cruisehip.

Sinabi din nito na maglalagay sila ng nasabing flag sa mga bangkang gagamitin ng mga turista sa pagkakaroon ng island hopping activity.

Ang MS Celebrity Century ay dadaong bukas ng umaga sa Boracay sakay ang mahigit kumulang 1, 835 na pasahero kasama ang 875 na crew.

No comments:

Post a Comment