Posted February
4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa ginanap na 5th Regular SB Session ng Malay
kahapon nagpaabot ng kanyang pagkadismaya si SB member Floribar Bautista
tungkol sa nasabing problema.
Aniya, matagal na itong problema ng nasabing bayan na
hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng kaukulang atensyon
Sinabi nito na mayroon namang sapat na pondo ang Local
Government Unit ng Malay para maipaayos ang problema ng mga bukas na drainage
system sa isla.
Partikuklar sa tinukoy nito ay ang sidewalk sa Station 1
na kung saan ay may ilang butas na nagdudulot ng piligro sa mga dumaraang tao
sa lugar.
Kaugnay nito nangako naman ang mga local officials ng
Malay na makipagtulungan sila tungkol dito para sa agarang pagresolba ng
naturang problema.
No comments:
Post a Comment