YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 11, 2014

No. 2 Most Wanted Person sa Malay na may kasong sexual assault sa Kalibo, Aklan, arestado sa Guimaras

Posted November 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado sa bayan ng Guimaras ang pangalawa sa most wanted person sa bayan ng Malay na may kasong rape by sexual assault sa probinsya ng Aklan.

Ayon sa blotter report ng BTAC, isinagawa ang operasyon ng mga pulis kagabi sa pinagsanib pwersa ng Guimaras PNP Special Operations Group at Intel Section ng BTAC, kung saan nadakip ang suspek sa kanilang residente sa Brgy. Buluangan, Jordan, Guimaras.

Kinilala sa blotter report ang naaresto na si Jun Magbanua alyas “Gamay”, 45 anyos, kung saan may kasong sexual assault in relation to RA 7610 na inisyu ni Hon. Bienvinido Barrios, Jr. Presiding Judge ng 6th Judicial Region, Branch 3 sa bayan ng Kalibo Aklan noong September 26, 2014.

Samantala, nabatid na walang inirekomendang pyansa sa kaso ng suspek at kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng Guimaras Municipal Police Station na nakatakda namang e-turnover sa korte ng Kalibo para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment