YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 11, 2014

Belgian national, nawalan ng bisekleta sa Boracay

Posted November 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa Boracay PNP Station ang isang 23 anyos na Belgian national.

Ito’y matapos umanong nawalan sya ng GT Agressor na bisekleta sa isla ng Boracay nitong hapon.

Sumbong ng biktima na kinilalang si Hendrik Van De Perre, ipinarking nya umano ang nasabing bisekleta sa labas ng apartment na kanyang tinutuluyan at ilang sandali pa nang ito’y balikan ay nawawala na di umano.

Samantala, may nakapagsabi naman sa biktima na nakita pa ang nasabing bisekleta sa lugar, kung saan wala naman umanong nakita na kahina-hinala dito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa kaso.

No comments:

Post a Comment