YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 04, 2014

Chinese National, nasalisihan, pera at passport, tinangay

Posted September 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

No money, no passport.

Ito ang paulit-ulit na sinabi ni Li Bin, isang Chinese National sa presento ng Boracay PNP matapos umanong masalisihan kaninang madaling araw.

Base sa kanyang reklamo sa mga pulis, nasa isang restaurant sila sa station 3 nang may lumapit sa kanilang dalawang bading at isang babae at nakipagkuwentuhan sa kanilang lamesa.

Magbabayad na umano sila ng kanilang inorder nang mapansin ng biktima na nawawala ang kanyang wallet, kasabay ng biglang pagtakbuhan ng mga nasabing bading at babae.

Kaugnay nito, iginiit ng biktima na ang tatlong lumapit sa kanila ang nagnakaw ng kanyang wallet na naglalaman ng US 300 dollar, 150 Australian dollar, 270 Yuan, 20 mil pesos at passport.

Kaagad namang nagsagawa ng manhunt operation ang mga police sa ikadarakip ng mga salisi.

No comments:

Post a Comment