YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 29, 2014

Physical fitness program para sa mga taga Boracay PNP, nagsimula na

Posted April 29, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nagsimula na ang physical fitness program para sa mga taga Boracay PNP.

Ayon kay PInspector Kennan Ruiz ng Boracay PNP, magagawang mabuti ng isang police ang kanyang trabaho, kapag ito’y physically fit.

Kaya naman target umano nila na nasa tamang kalusugan ang mga pulis sa isla sa pamamagitan ng mga series of exercise o ehersisyo.

Sinabi pa ni Ruiz na hindi lamang sa proper waistline o mataas na timbang nakasentro ang kanilang fitness program, kungdi sa pisikal na imahe ng isang police personnel.

Kailangan din umano kasi nilang maabot ang standard o pamantayang inaasahan sa kanila ng mga turista.

Samantala, sinabi pa ni Ruiz na bahagi parin ng Transformation Program ng Philippine National Police sa pamamagitan ng Performance Governance System o  PATROL Plan 2030 ang nasabing physical fitness program.

No comments:

Post a Comment