YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 28, 2014

Buy-bust operation, ikinasa ng mga otoridad sa Boracay kagabi; 6 na sachet ng shabu nasabat

Posted April 28, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado ang suspek na si Alvin Ralph Tuya alyas “Dogoy” ng Iloilo City matapos mahuli sa isang buy bust operation kagabi sa Yapak Boracay.

Sa pinagsanib na pwersa ng Boracay PNP Station at mga operatiba ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group.

Nasabat mula sa suspek ang limang sachet ng shabu, dalawang unit ng cellphone na naglalaman ng mga illegal drug transactions at apat na mga disposable lighters.

Samantala, nakuha rin mula sa poseur-buyer ang isang sachet ng shabu at isang libong piso na ginamit bilang marked money.

Nakatakda namang e-turnover sa Kalibo Police Station ang suspek kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

No comments:

Post a Comment