YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 03, 2014

Lalaki sa Boracay, nagreklamo sa pulis matapos hampasin ng bote sa ulo

Posted April 3, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang lalaki ang nagreklamo sa isang nagngangalang Ram-Ram ng Brgy. Balabag Boracay matapos na umano’y hinampas ang ulo nito ng bote ng beer.

Ayon sa report ng Boracay PNP, naglalakad di umano ang biktima bandang alas dose ng hating-gabi kanina sa So. Bolabog Balabag Boracay ng walang probokasyon at sa hindi malamang rason ay bigla na lamang hinampas ng bote ng suspek kung saan nagresulta ng ilang mga sugat sa biktima.

Ipinagkatiwala naman ang nasabing kaso sa Brgy. Justice System.

No comments:

Post a Comment