Posted April 2, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Ito ang nilalaman ng privilege speech ni Bautista sa
ginanap na 9th Regular Session ng SB Malay kahapon ng umaga.
Napag-alaman umano kasi nito na hindi parin isang daang
porsyentong naidi-demolished ang mga imprastraktura sa isla na lumabag sa 25+5
meter easement rule ng Boracay Redevelopment Task Force o BRTF ng LGU Malay.
Samantala, nais naman nitong malaman kung ano pang mga imprastarktura
ang kabilang sa 7 percent na pasok sa 25+5 meter easement at kung saan ito nakatayo
o kung sino ang nag mamay-ari ng mga ito na hanggang ngayon ay hindi parin
naidi-demolished.
Sa kabilang banda hinihiling din ni Bautisa sa nakatalagang
Task Force na bigyan siya ng report o ideya kung ano ang nangyari sa pitong
porsyentong hindi kabilang sa nasabing implementasyon.
No comments:
Post a Comment