YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 23, 2014

Babae, sinampal ng kainuman dahil sa dating alitan

Posted April 23, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang babae ang sinampal ng mismong kainuman sa Boracay matapos komprontahin ng huli tungkol sa dati nilang alitan.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nag-iinuman ang mga ito kagabi sa Brgy. Manoc-manoc Boracay nang komprontahin nya ang lalaking kainuman hinggil sa gulong ginawa umano nito dati sa kanyang boarding house.

Anya, ikinagalit ito ng nasabing lalaki kung kaya’t sinampal siya nito sa mukha.

Kaagad namang inawat ng mga tao doon ang nangyaring komosyon.

Samantala, nakatakdang magharap ang dalawa sa Brgy. Justice System ng nasabing barangay.

No comments:

Post a Comment