YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 22, 2014

5 kalalakihan, kulong matapos gumawa ng iskandalo sa isang bar sa Boracay

Posted April 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit by: www.someville.com.
Kulong ang 5 kalalakihan matapos gumawa ng iskandalo sa isang bar sa Boracay kaninang madaling araw.

Basi sa report ng Boracay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa security guard ng nasabing bar kung saan humihingi ito ng police assistance tungkol sa nagaganap na komusyon doon.

Dahil dito agad namang rumispondi ang mga kapulisan sa pangunguna ni PO3 Joy Sablaon at kinilala nito ang complainant na si Richard Dumagtoy, Operation Manager ng nasabing bar na tubong Kalibo, Aklan.

Nakilala rin ang mga suspek na sina Jone Francisco, 21-anyos ng Roxas City, Reymart Chavez, 19-anyos ng Cuartero Capiz, Rocky Saba, 26-anyos ng Gibon, Nabas, Aklan at sina Eron Laguda 20-anyos, Alvin Galedo, 19-anyos na parehong tubong San Jose Romblon.

Nabatid na parehong kustumer ng nasabing bar ang mga kalalakihan kung saan bigla nalang ang mga itong gumawa ng iskandalo sa loob ng naturang bar sa pamamagitan ng panghahagis ng mga bato, botelya ng beer at iba pang matitigas na bagay kung saan nagresulta naman ito ng takot at pangamba sa iba pang mga kustumer sa loob ng bar.

Ayon kay Dumagtoy nagdesisyon nalang umano ang ilan nilang mga kustumer na lisanin ang lugar dahil sa nangyayaring kaguluhan.

Sa kabilang banda, habang nasa kustudiya ng Boracay PNP ang mga suspek para sa imbistigasyon ay bigla nalamang ang mga itong nagsuntukan.

Sa ngayon, ipinaalam na rin sa mga ito ang kanilang kahaharaping parusa habang nakakulong ang mga ito sa Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment