YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 11, 2014

Russian national, nabiktima ng snatching sa Boracay; Suspek, huli

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Police BlotterArestado ang 24-anyos na lalaki matapos na mahuli sa pangdidikwat sa isang 27-anyos na lalaking Russian national kaninang madaling araw sa Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP Station, nakilala ang suspek na si Roger Minque ng Calatrava Negros Occidental habang nakilala naman ang Russian national kay Anastas Stepanian ng Smolyachkova, Russia.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na pauwi na sana ang nasabing Russian national sa tinutuluyan nitong hotel sa So. Bolabog, Brgy. Balabag Boracay nang mapansin na sinusundan pala sya ng suspek.

Nang makarating sa madilim na bahagi sa mismong harapan ng hotel ay doon na umano sinungguban ng suspek ang biktima at saka pinagbubugbog, kung saan pilit nitong kinukuha ang gold na necklace at pendant ng biktima na nagkakahalaga di umano ng 90, 000 pesos.

Matapos na makuha, naghabulan umano ang mga ito at sa kabutihang palad ay naabutan ng turista at nakuha sa control ng nasabing snatcher ang kinuha nitong gamit at saka isinumbong sa mga pulis.

Sa ngayon ay kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Boracay PNP Station ang suspek para sa kaukulang  disposisyon.

No comments:

Post a Comment