YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 10, 2014

PNP 6 Regional Director Police Chief Supt. Josephus Angan, dadalo sa Joint Flag Raising Ceremony ng BAG ngayong umaga

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 

Photobucket
Mga ‘men and women in uniform’ ng Boracay Action Group (BAG).

Ito ang inaasahang makikita sa Balabag Plaza ngayong umaga dahil sa isang Joint Flag Raising Ceremony.

Subali’t maliban sa nasabing aktibidad tuwing ikalawang Lunes ng buwan, espesyal ang araw na ito para sa mga taga BAG, dahil sa pagdating ni PNP 6 Regional Director Police Chief Supt. Josephus Angan.

Pangungunahan kasi nito ang awarding of certificates at letter of commendation sa mga miyembro ng BAG na nakapagbigay ng mahalaga at natatanging pagganap sa tungkulin para sa Boracay.

Samantala, maliban sa pangungunahang awarding ceremony, nakatakda ring makipagpulong si Angan sa mga taga BAG at kay Malay Mayor John Yap para sa kapayapaan at kaayusan ng isla.

Nakatakda namang ganapin ang Joint Flag Raising Ceremony ngayong alas 8:00 ng umaga.

No comments:

Post a Comment