YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 26, 2013

HRP Boracay, nagpasalamat sa mga tumulong sa simbahan ngayong kapaskuhan

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

Nagpasalamat ngayon ang HRP o Holy Rosary Boracay sa mga tumulong sa simbahan ngayong kapaskuhan.

Unang pinasalamatan ni HRP Team ministry mediator Father Nonoy Crisostomo ang mga tumulong upang mapaganda at malagyan ng dekorasyon ang simbahan, partikular ang para sa bispera at mismong araw ng kapaskuhan.

Maliban dito, ikinatuwa din ni Father Nonoy ang ipinakitang suporta at tulong ng mga kabataan o youth ministry sa simbahan sa pamamagitan ng pag-alay ng presentation sa Nativity Mass.

Ayon pa kay Father Nonoy, masaya ito dahil talagang ipinakita ng mga pamilya dito sa isla ang kanilang pagkakaisa, pagkilala sa totoong diwa ng pasko, at ang pag-ibig kay Kristo Hesus.

Samantala, pagkatapos ng pasko, pinaghahandaan naman ngayon ng HRP Boracay ang pagsalubong sa bagong taon.

No comments:

Post a Comment