Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nasa plano na ng munisipyo ng Malay ang pag-aksyon sa
problema kaugnay sa pamamalimos ng mga bata sa Boracay.
Ayon kay Balabag Barangay Captain Lilibeth SacapaƱo, kailangan
nila ang kooperasyon ng publiko at ng mga stakeholders lalo pa’t kulang na
kulang umano ang puwersa ng DSWD o Department of Social Welfare and
Development.
Bagama’t nagdagdag na ng isang social worker ang
munisipyo, kailangan pa rin umano nila ng tamang panahon upang matutukan ang
nasabing problema.
Itinanggi naman ni ‘kap’Lilibeth na pinababayaan nila ang
mga batang namamalimos sa vegetation area ng isla.
Samantala, naniniwala naman si ‘kap’Lilibeth na isang
special case para sa industriya ng turismo ang Boracay kung kaya’t dapat itong
ingatan.
No comments:
Post a Comment