YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 30, 2013

DOT, nag-lunsad ng isang linggong Tourism Accreditation sa Capiz

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nag-lunsad ng isang linggong Tourism Accreditation ang Department of Tourism (DOT) Boracay sa probinsya ng Capiz.

Ito ay may kaugnayan sa isinigawang selebrasyon para sa Tourism week ng nasabing probinsya.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, layunin umano nito ay maipaalam sa lahat ng tourism related establishment sa nasabing lugar at sa karatig na probinsya na mag-rekomenda na sumunod sa world class na mga pasilidad at serbisyo.

Aniya, suportado naman ng provincial unit ng Capiz at ng provincial tourism office ang kanilang ginawang Tourism Accreditation.

Nabatid naman na sa loob ng isang linggong event ay ipinakita ng mga CapiziƱo ang ibat-ibang palabas na may kinalaman sa turismo, eco-cultural tour at interactive exhibits.

Samantala ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng provincial government ng Capiz sa pamamagitan ng Provincial Tourism at Cultural Affairs Office (PTCAO) at sa partisipasyon ng Department of Tourism Region 6 (DOT-6).

1 comment: